Isang bagong kaso ng diskwalipikasyon ang isinampa laban kay ACT-CIS Representative Erwin Tulfo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Binigyang diin ni Comelec Commisioner Erwin George Garcia na nitong Miyerkules na natanggap ng poll body ang petisyon noong Martes.
Ang petisyon ay isinampa nina Berteni Cataluña Causing at ng Graft-free Philippine Foundation, Inc., na kinakatawan ni Diosdado Villar Calonge.
Sa kabilang banda ‘wala pang ibang detalye kung ano ang batayan ng diskwalipikasyon.
Maaalala ring dati nang isinampa ang isang kaso ng diskwalipikasyon laban kina Erwin Tulfo, kapatid nitong si Ben Tulfo, ACT-CIS Representative Jocelyn Pua-Tulfo, Quezon City 2nd District Representative Ralph Wendel Tulfo, at Turismo Party-list nominee Wanda Tulfo-Teo.
Kung saan inihain ni petitioner Virgilio Garcia na ayon sa kaniya pagpapakita ng isang political dynasty at sapat na batayan na aniya para sa petisyon nitong diskwalipikasyon sa darating na halalan sa Mayo, 2025.