-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health na halos doble ang naging pagtaas ng naitalang bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) infections sa Pilipinas noong nakalipas na taon.

Ayon sa ahensya, ang datos na ito ay talaga namang nakakabahala.

Ginawa ni DOH Assistant Secretary and Spokesperson Albert Domingo ang pahayag sa pagharap nito sa  joint committee hearing na may kinalaman sa pagtaas ng kaso ng  adolescent pregnancies and HIV  sa mga kabataan.

Na highlight sa naturang pagdinig ang tumataas na vulnerability ng mga kabataan ngayon sa HIV.

Ipinanawagan rin sa pagdinig na magkaroon ang gobyerno ng malawakang prevention efforts, education efforts, at mga programs para mabawasan ang numerong ito.

Binigyang-diin ni Domingo ang pangangailangang tugunan ang”HIV epidemic,” kung saan pangunahing nakukuha ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Batay sa datos ng DOH, tumaas ang kaso ng HIV infection sa 47% kung saan mas marami ang mga kabataan. na nasa edad 15 hanggang 24.