-- Advertisements --

Patay ang isang motorcycle rider matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang riding in tandem sa Osmeña Highway sa Maynila.

Unang inakala na naaksidente lamang ito ngunit ng lapitan ay nakitang may tama ito ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Batay sa salaysay ng tanod sa lugar, bagamat nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril ay una nilang inakala na naaksidente lamang ang biktima.

Hindi rin kilala ng mga tanod ang biktima dahil hindi nila ito residente.

Ayon naman sa kapatid nitong babae, nagpaalam sa kanya ang kanyang kapatid na biktima na susunduin ang kanyang nobya sa Makati.

Aniya, isang oras na ang lumipas at hindi na makontak.

Ang biktima ay may tama ng ulo at bewang batay sa inisyal na imbestigasyon.

Tiniyak naman ng pulisya na kanilang masusing iimbestigahan ang insidente para matukoy ang motibo at kung sino ang nasa likod nito.