-- Advertisements --
kapa members file case nbi
KAPA members filed cases vs founder Pastor Joel Apolinario at DOJ, Manila

Panibagong patong-patong na kaso ngayon ang inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DoJ) laban sa mga opisyal ng KAPA Community Ministry International Inc. na isinasangkot sa large-scale investment scam.

Partikular sa inireklamo sa DoJ ang founder ng KAPA na si Pastor Joel Apolinario na nahaharap ngayon sa walong bilang ng kasong estafa.

Isinampa rin ng NBI ang five-counts ng reklamong paglabag sa section 8 at 26 ng Securities and Regulation Code (SRC).

Bukod kay Pastor Apolinario ay kasama rin sa inireklamo ang misis ni Pastor na si Reyna Apolinario na nagsisilbing Corporate Secretary ng KAPA at ang 12 iba pang opisyal ng KAPA.

Samantala bukod sa reklamo ng NBI ay mayroon pang tatlong pribadong indibidwal ang tumatayong complainant din sa kaso laban sa KAPA na sinasabing nakapagbigay ng kalahating milyong piso bilang “donation” noong Mayo 24 ngayong taon.

Kuwento ng 65-anyos na lolang kareretiro sa trabaho, ini-invest niya ang P500,000 sa KAPA sa paniniwalang mabibigyan siya ng 30 percent na “blessing.”

Pero makalipas ang ilang buwan hanggang nagsara ang KAPA ay wala umano itong natanggap na blessing gaya ng naipangako ng mga nang-engganyo sa kanya.

KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Magugunitang June 18 ay unang naghain ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng reklamong paglabag sa Securities Regulation Code laban sa KAPA.

Ang lower court sa Davao City ay nag-utos na rin ng hold departure order laban kay Pastor Apolinario.

Habang ang AMLC ay inilagay sa freeze order ang P100 million na pera ng KAPA at iba pang mga assets.