KORONADAL CITY – Nakapagtala sa ngayon ng panibagong landslide sa bayan ng Lake Sebu ,South Cotabato dahil sa paglambot ng lupa na dala parin ng mga pag-ulan na nararanasan ng ilang parte ng South Cotabato.
Ayon kay Mayor Floro Gandam ng bayan ng Lake Sebu, nangyari ang pagguho ng lupa sa national highway sa bahagi ng Barangay Lake Lahit sa nasabing bayan na naging sanhi ng pagkakaantala ng ilang mga motorista na dumaraan sa nasabing lugar.
Dagdag pa ni Mayor Gandam, ito na ang ika-3 beses na gumuho ang lupa sa nabanggit na barangay.
Maliban dito, ilang pagguho rin ng lupa ang naitala sa Barangay Lamlahak dahil sa tubig baha.
Pahayag pa ni Mayor Gandam, nagsasagawa na ng rechanneling sa ilang parte ng sapa para maiwasan ang pagdaloy ng tubig baha papunta sa ilang parte ng daan.
Sa ngayon nag patawag na ang alkalde ng mga heavy equipments para sa pagsasa-ayos ng daanan na apektado ng nasabing pagguho ng lupa para mangin “fully passable” na ang ilang parte ng daanan.
Nakikipagtulungan naman ang Department of Public Works ang Highways sa lokal na gobyerno ng Lake Sebu para maisaayo na ang apektadong daanan sa mabilis na panahon.