Pumalo na sa 74 na mga kandidato mula sa iba’t-ibang mga posisyon ang pinapasagot ngayon ng Commission on Election (COMELEC) dahil sa alegasyon ng pamimili ng boto.
Ang dokumento ni pinirmahan ni Committee on Kontra Bigay head Teopisto Elnas Jr na mayroong 19 na lokal na kandidato na sangkot sa vote buying at abuse of state resources (ASR).
Nanguna sa pinapasagot ang mag-asawang sina Marikina Rep.Stella Quimbo na tumatakbong alkalde at sangkot sa vote-buying at ASR habang ang asawa nitong si dating Rep. Romeo Quimbo na tumatakbo ngayon bilang 2nd Dist. Rep. ng Marikina ay pinapasagot sa vote-buying.
Kabilang din na pinapasagot si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan kung saan mariing itinanggi nito ang paratang at handa niyang sagutin ang alegasyon na ito sa COMELEC.
Ilan sa mga pinapasagot dahil sa alegasyon ng pagbili ng mga boto ay sina : Denver Christopher Chua tumatakbong alkalde ng Cavite City, Marvin Venus ng Baras, Rizal; Ruben Talon, Butch Suspeñe, at Zake Derequito ng Dumangas, Iloilo; Cagayan province gubernatorial kandidate Zarah Rose Lara; Allan Martines de Leon at Kristofer Charles Esguerra ng Taytay, Rizal; Mauban, Quezon mayoral candidate Erwin Pastrana; Rhapsody Miguel Riveral ng Cuartero, Capiz; Winfred Rivera ng Kamalayan Party-list; Jeren Jude Bacas at Rolen Paulino Jr., ng Olongapo City; Danilo Fernandez ng Laguna province at Romulo Avila, na tumatakbong vice mayor ng Quezon Province.
Magugunitang nitong Huwebes ay may ilang kandidato rin ang pinapasagot ng COMELEC dahil sa nasabing alegasyon ng pagbili ng mga boto.