-- Advertisements --

Karagdagan pang 1,279,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang dumating ngayon sa Pilipinas na binili ng gobyerno.

vaccines Moderna

Ang naturang mga bakuna ay sakay ng China Airlines flight CI 701 na lumapag kaninang dakong alas-10:00 ng umaga sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil sa panibagong pagdating ng mga bakuna sa ngayon umaabot na sa mahigit 11.74 million doses ng Moderna vaccines ang natanggap ng Pilipinas.

Kung saan 3 million nito ay donasyon sa pamamagitan ng World Health Organization o ng COVAX facility.

Mahigit naman sa 6.01 million ng Moderna vaccines ang una na ring binili ng pamahalaan at nasa 2.73 ang nabili rin ng private sector.

Sinasabing mahigit na sa 121 million doses ng iba’t ibang vaccines ang natanggap ng bansa.