-- Advertisements --

Nakapagtala ng short-lived phreatic event sa Taal Main Crater ang Phivolcs ngayong araw.

Nairehistro ito kaninang ala-1:45 PM (local time), 15 May 2024.

Batay sa obserbasyon mula sa Main Crater Observation Station, tumagal ang volcanic activity ng halos limang minuto.

Lumikha ang phreatic event ng 500-meter na taas ng usok o steam plume na kalaunan ay napadpad sa kanluran-hilagang-kanlurang direksyon.

Nakataas pa rin sa Taal ang Alert Level 1 na nangangahulugan ng patuloy na mahinang abnormalidad nito at mapanganib sa mga posibleng phreatic eruption.