-- Advertisements --

Sinampahan ng panibagong pitong civil case ang rapper na si Sean “Diddy” Combs.

Kasama dito ang alegasyon ng dalawang biktima na sila ay menor de edad pa noon kung saan pina-droga bago abusuhin.

Sa unang pagkakataon na kaso ay ilang mga celebrities ang nadamay bagamat hindi binanggit na ang mga pagkakakilanlan ng mga ito.

Base sa pahayag ng isa sa mga biktima na taong 2000 noong 13-anyos pa lamang siya ng imbitahan ito ng limo driver ng singer para dumalo sa MTV Video Music Awards afterparty sa New York City.

Matapos na ito ay malasing ay naghanap siya ng matutulugan hanggang pinasok siya ng Combs at ilang mga kasamahan at doon isinagawa ang panghahalay.

Mariing itinanggi naman ng rapper ang nasabing alegasyon at kumpiyansa sila na kanila itong malalampasan.