-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.10 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang ang kerosene aymayroong P0.50 na pagtaas sa kada litro at ang diesel naman ay mayroong pagtaas ng P0.75 sa kada litro.

Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang taas presyo ay bunsod na tension na nararanasan pa rin sa Gitnang Silangan.

Kasama rin ang pagbaws ng produksyon ng OPEC sa pagtaas ng presyo.