-- Advertisements --
Nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng dalawang linggong magkasunod na taas na presyo ng kanilang produkto.
Nitong alas-6:00 ng umaga ay nagtaas ng P0.50 sa kada litro ng gasolina ang mga oil firms habang mayroong P0.60 pagtaas naman sa kada litro ng kerosene.
Mayroon namang P0.95 ang itinaas sa kada litro ng krudo.
Itinuturong kabilang sa dahilan sa pagtaas ng presyo ay epekto ng nagdaang hurricane Ida na tumama doon sa Estados Unidos.