-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Kaninang ala-6 ng umaga ng magpatupad dagdag ng P1.60 sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroon P0.60 naman sa kada litro ng diesel ang itinaas at P0.60 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang pang-apat na sunod na linggo ng taas presyo ng mga mga produktong langis.
Itinuturo pa rin ng Department of Energy na dahilan ng nasabing taas presyo ay ang patuloy na tensiyon at kaguluhan sa Middle East.