-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang mga produkto.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipatupad ang dagdag na P1.20 sa kada litro ng diesel.
Habang mayroong tig-P1.00 na dagdag sa kada litro ng gasolina at kerosene.
Sinabi ni Department of Energy Assistant Director Rodela Romero na ang dahilan nito ay ang patuloy na tensiyon sa Middle East.
Ganun din ang desisyon ng mga Orgnization of the Petroleum Exporting Countries na bawasan ang supplies.