-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Nitong ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P0.80 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding P0.80 sa kada litro ang itinaas sa diesel at ang kerosene ay mayroong P0.10 na pagtaas sa kada litro.

Ayon kay Energy Department director Rodela Romero na ang nasabing pagtaas ay dahil sa pangamba na ang pandaigdigang suplay ng langis ay maapektuhan sa sanctions ng US sa Russia at Iran.