-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P2.20 na dagdag sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P1.40 na dagdag sa kada litro ng diesel.

Mayroo namang P1.30 ang pagtaas sa kada litro ng kerosene.

Itinuturong dahilan ng Department of Energy ang pag-atake ng Ukraine sa tatlong malalaking oil refineries sa Russia at ang malayong biyahe ng mga oil tankers mula sa Middle East para maiwasan ang Red Sea dahil sa pangamba ng atake ng mga Houthi rebels.