-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang taas presyo.
Nitong ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.50 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang pagtaas ng P1.45 sa kada litro ng diesel at P0.75 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.
Isa sa mga nakikitang dahilan ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang paghina ng peso kontra sa US Dollar at ang patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.