-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng mga taas presyo ng kanilang produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.50 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P0.30 na pagtaas sa kada litro ng diesel at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene.

Itinuturong dahilan ng Department of Energy ang pagtaas na demand ng langis ganun din ang muling pagsiklab ng tensiyon sa gitnang silangan.