Asahan na namang aaray ang bulsa ng mga motorista dahil sa nagbabadyang pagtaas muli ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa ilang oil industry sources, papalo ng mula P0.40 hanggang P0.50 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Sa kada litro ng diesel naman, sisirit ang presyo nito ng mula P0.20 hanggang P0.30.
Habang may umento ring P0.20 hanggang P0.30 ang kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikawalong linggo na nakapagtala ang bansa ng oil price hike.
Sa walang tigil na oil price hike, aabot na ng mahigit P9.60 kada litro ang itinaas ng gasolina.
Aabot naman sa P5.75 ang naging dagdag ng kada litro ng diesel, habang P8.50 ang iminahal ng kada litro ng kerosene.
Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng mga oil products sa araw ng Martes.