-- Advertisements --

Asahan umano na muling aaray ang bulsa ng mga motorista dahil sa panibagong oil price hike na nakaamba sa susunod na linggo.

Ayon sa mga oil industry sources, aakyat ng P1.40 hanggang P1.60 ang presyo sa kada litro ng gasolina.

Papalo naman ng P0.50 hanggang P0.70 ang kada litro ng diesel.

Habang sa kerosene, P2.30 hanggang P2.50 ang isisirit ng presyo.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo na nagtaas ng presyo ang mga oil companies.

Inaasahang sa Martes ng umaga ipapatupad ang dagdag sa presyo ng nasabing mga produkto.