-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong taas presyo ng kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.80 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon P0.90 naman ang pagtaas sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong pagtaas na P0.80 sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy na ang sanhi ng nasabing panibagong pagtaas ay ang inaasahang pagtaas ng demand dhail sa economic stimulus pacakage mula sa China.
Kasama rin dito ang mataas na demand dahil sa tag-lamig sa US at Europe.