-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis ng bansa.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad nila ang P1.55 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Nagkaroon din ng P1.30 na bawas sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong P1.40 na bawas sa kada litro.
Ang nasabing paggalaw ay resulta ng taas-baba ng presyo ng langis simula pa noong Agosto 13.
Isa sa mga naging dahilan na nakita ng Department of Energy ay ang bumagal na demand ng sa mga produktong langis mula sa bansang China.