-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinawag ni 58th Infantry Battalion, Philippine Army commander Lt. Col. Roy Anthony Derilo na “desperate move” ang ginawa ng New People’s Army (NPA) kung saan dinis-armahan ang mga security guards ng Minergy Power Plant sa Sitio Bawsan, Brgy. Quezon, Balingasag, Misamis Oriental.

Sinabi ni Derilo na dahil sa subrang gutom ng makakaliwang grupo at pagkaubos ng kanilang mga supplies ang pangunahing dahilan kung bakit sila nangingikil sa naturang kompaniya.

Una nang inatake ng 15 mga rebelde ang ng nasabing planta kung saan nagawang matangay ang limang AK-47 ng mga gwardiya.

Naniniwala ang militar na nilusob ng mga armado ang Minergy dahil hindi ito binigyan ng revolutionary tax.

Mariin naman itong itinanggi ng isang nagpakilalang NPA-Misamis Oriental Command spokesperson na si Ka Nicholas.

Ayon sa naturabng Ka Nicholas, pagdepensa lamang sa kalikasan ang kanilang ginawa dahil daw sa polusyon na hatid ng planta.