-- Advertisements --
Hinijack ng mga hindi pa kilalang armadong suspek ang tanker na naglalaman ng phosphoric acid sa Gulf of Aden.
Kabilang sa mga crew nito ay ang mga Filipinos.
Ang nasabing insidente ay kinasasangkutan ng isang chemical tanker Central Park.
Ito ang pinakabagong insidente ng pagdukot na ang una ay ang cargo ship na dinukot ng mga Houthis rebels.
Ang Central Park ay maliit na chemical tanker na pinapatakbo ng Zodiac Martime Ltd. na ito ay nakabase sa London.