-- Advertisements --
image 470

Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaaring may isa pang round ng cash assistance para sa mahihirap na Pilipino.

Ito’y dahil nananatiling mataas ang inflation, partikular ang pagtaas ng presyo ng pagkain.

Ayon kay Diokno, pinaplano ng Department of Finance (DOF) na palawigin ng dalawang buwan ang Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development.

Sa halip na P500, ang mga benepisyaryo ay makakakuha ng P1,000 sa nasabing panukala.

Dagdag dito, wala pang ibang detalye ang nabanggit ngunit sinabi ni Diokno na malapit nang mag-anunsyo ang naturang departamento.

Aniya, na-identify na ng departamento ang funding source ng naturang ayuda at hinihintay na lamang ang anunsyo na magmumula sa Malacanang.