-- Advertisements --

Kinondena ni Senador JV Ejercito ang panibagong pagbomba at pagharass ng China Coast Guard sa BRP Datu Pagbuaya habang nagsasagawa ng routine patrol malapit sa Bajo de masinloc.

Iginiit ni Ejercito na mariing paglabag sa international law at sa soberenya ng Pilipinas ang panibagong pangbu-bully ng China.

Muli na naman aniyang inilagay sa panganib ng China Coast Guard ang ating mga tropa sa marahas na pambobomba ng water canon at binabalewala ang ating karapatan sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ng senador, pagpapatunay lamang ito na tama ang kanyang panawagan na hindi na dapat maantala pa ang AFP Modernization program .

Dapat lamang na well-equipped ang kagamitan ng sandatahang lakas para depensahan ang ating pag-aaring karagatan at soberanya ng walang pag aalinlangan.

Samantala, sa pagsalang sa makapangyarihang Commission on Appointments ng 15 heneral at flag officers ng AFP, Binigyang-diin ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang mga sakripisyo ng mga sundalong Pilipino at kinilala nito ang kanilang kontribusyon partikular sa pagproteka sa teritoryo ng Pilipinas.

Ipinahayag ng senador ang kanyang buong suporta para sa mga high-ranking officials.