-- Advertisements --

Umaabot na sa US$5.57 billion ang cumulative balance of payments (BOP) ng Pilipinas mula Enero hanggang Setyembre 2019.

Kasunod ito ng surplus na US$38 million nitong nakaraang buwan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakabawi ang bansa mula sa US$5.14 billion BOP deficit na una nang nai-record.

Ang BOP position ay sumasalamin sa ating gross international reserves (GIR).

Sinasabing ang positibong development na ito ay maiuugnay sa malakas na personal remittance inflow mula sa overseas Filipinos at net inflow na nanggagaling sa foreign direct investments.