GENERAL SANTOS CITY – Panibagong parangal na naman ang naidagdag sa listahan ng Bombo Radyo General Santos City.
Pumasa sa 114th regular session ng 18th Sangguniang Panlungsod ng General Santos City ang Resolution No. 123 series of 2019 na nagbibigay ng special citation ng himpilan.
Ito ay bilang pagkilala sa taunang Dugong Bombo na isinasagawa ng Bombo Radyo Philippines na kinabibilangan ng Bombo Radyo GenSan na isa sa mga partner ng Department of Health (DoH) National Voluntary Blood Services Program.
Una rito, tumanggap ng plaque of appreciation ang himpilan bilang “Top Performing Non-LGU Partner†sa isinagawang Sandugo Award ng DOH sa lungsod noong October 2018.
Matatandaang nakaipon ng 679 blood units ang Bombo Radyo GenSan noong nakaraang taon na blood donation sa Dugong Bombo 2017 at nasa halos 500 blood donors ang nakilahok sa Dugong Bombo 2018.
Magugunitang humakot ng kahalintulad na parangal ang iba pang himpilan ng Bombo Radyo Philippines.