-- Advertisements --
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang panibagong phreatic eruption sa Taal Volcano kaninang Biyernes ng umaga.
Ayon sa ahensya, namataan ng kanilang ahensya ang phreatic or steam-driven eruption sa Taal Main Crater.
Naganap ito sa pagitan ng 5:11 AM to 5:24 AM ng umaga.
Dagdag pa ng ahensya na batay ito sa seismic, visual and infrasound records of the Taal Volcano Network.
Kaugnay nito, inulat ng Phivolcs na nananatiling nasa alert level 1 ang bulkan.
Ibig sabihin, ang bulkan ay nasa abnormal na kondisyon pa rin at hindi dapat bigyang kahulugan na wala na itong banta ng pagsabog.