-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala mula sa Taal Volcano ng isang minor phreatic eruption.
Naranasan ito kaninang alas-9:14 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, mayroong 1,500 meters na taas ng volcanic plume na nai-record at napapadpad iyon sa timog-silangang direksyon.
Paliwanag ng ahensya, bahagyang nagdilim sa may bulkan dahil sa makapal na usok.
Pero nilinaw ng mga eksperto na walang dapat na ipangamba ang publiko dahil nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Taal Volcano.
Gayunman, mahigpit itong imo-monitor dahil sa posibilidad na masundan pa ang pagsabog ng bulkan. (report by Bombo YSA)