Muling nakapagtala ang Philippines from the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mahinang phreatic o steam-driven eruption sa Taal volcano nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa ulat, naganap ang volcanic activity mula alas-9:30 ng gabi hanggang alas-9:32 ng gabi, base sa mga record ng visual, seismic, at infrasound ng Taal Volcano Network (TVN).
Samantala, ang average na paglabas ng sulfur dioxide (SO2) ay 4,641 tonelada kada araw noong Hunyo 20, 2024.
Ang average na SO2 emissions mula Enero ay nananatiling mataas na 7,967 tonelada kada araw.
Ayon sa Phivolcs, ang mahinang phreatic activity ay bahaging patuloy na paglabas ng mainit na volcanic gases sa Taal Main Crater at maaaring susundan pa ito ng mga katulad na pangyayari.
Paalala ng ahensya sa publiko na nananatili ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal, na nangangahulugang ito ay nasa hindi karaniwang kondisyon at hindi dapat ituring na tapos na ang banta ng pagputok nito.
Ang Alert Level 1 ay nangangahulugang maaaring magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at mapanganib na pag-accumulate o paglabas ng volcanic gas sa mga lugar sa loob ng Taal Volcano Island (TVI).