-- Advertisements --

Nakapagtala ang Phivolcs ng panibagong phreatic eruption event na tumagal ng tatlong minuto.

Ayon sa ahensya, nagdulot ito ng volcanic smog sa mga lugar na malapit sa Taal Volcano Island.

Nabatid na ang sulfur dioxide flux ay umabot sa 3,309 tonelada kada araw.

Ang ibinugang steaming plume ay nasa 1,500 metrong taas.

Mas malakas ito kumpara sa ibang araw na pagsingaw ng bulkan.

Napadpad naman ang usok na may abo at sulfur sa hilagang-silangan at hilagang-kanlurang direksyon ng lalawigan ng Batangas.

Bukod dito, may ground deformation din sa may Taal Caldera na may panandaliang pamamaga sa gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.