-- Advertisements --

Nag-abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posible pa rin na magkaroon ng panibagong phreatic eruption sa Mount Bulusan sa probinsiya ng Sorsogon.

Ayon kay Phivols Director Renato Solidum Jr, base sa nakalipas na pagsabog, maaaring mangyari ulit ang panibagong pagsabiog sa mga susunod na araw, linggo o buwan.

Kung kayat patuloy ang pagpapaalala ng Phivolcs sa mga residnete malapit sa bulkan na maging masunurin at iwasan ang pagpunta malapit sa Permanent Danger Zone.

Sa kabila nito, wala pa namang nakikitang indicators sa ngayon para sa pagtataas ng Alerto sa bulkan sa Alert level 2.

Ayon kay Solidum, kanilang imomonitor ang posibleng magmatic activity sa antas ng sulfur dioxide na kasalukuyang masyadong mababa at wala ring evidence na may mga kasunod na lindol na mangyayari.

Sa nagyon ang nakitang aktibidad sa bulkanm ay hydrothermal o pag-init nf tubig na nagpapakita ng posible pa ri ang panibagong explosion.

Sa nagyon ang nakitang aktibidad sa bulkanm ay hydrothermal o pag-init nf tubig na nagpapakita ng posible pa ri ang panibagong explosion.