Posibleng matagalan pa ang pagbabalik sa paggamit ang Boeing 737 Max 8 aircraft matapos na makadiskubre ang mga otoridad ng panibagong problema.
Sa inilabas na pinakahuling imbestigasyon ng Federal Aviation Administration (FAA) na nagkaroon ng problema ang microposcessor na nagtulak para tuluyang bumagsak ang eroplano.
Tinayak din nila na agad nilang aayusin ang nasabing problema.
Kasabay nang pagsasaayos ng mga eroplano ay patuloy din aniya ang kanilang ginagawang pagsasanay sa mga piloto.
Magugunitang pinatigil pansamantala ng mga airline companies sa buong mundo ang paggamit ng Boeing 737 Max matapos ang magkasunod na aksidente sa pagbagsak ng Lion Air Flight at Ethiopian Airlines na ikasawi ng ilang daang katao.
Ang naturang pangyayari ay nagbunsod din upang itigil ng ilang mga bansa ang kanilang orders para sa Boeing Max.