-- Advertisements --
Nagtala ang bansa ng panibagong record high sa COVID-19 case sa tatlong sunod na araw.
Ayon sa Department of Health (DOH) mayroong 39,004 na bagong COVID-19 case ang naitala ngayong Enero 15, 2022.
Ito na ang pinakamaraming bilang mula ng magsimula ang pandemiya.
Nahigitan nito ang record na naitala nitong Enero 14 na mayroong 37,207 daily case.
Dahil dito ay mayroon ng 3,168,379 ang kabuuang COVID-19 case sa bansa kung saan 280,813 dito ang aktibo.
Mayroong 23,613 katao na ang gumaling at sa nasabing bilang ay umakyat na rin sa 43 ang gumaling na nagdadala ng kabuuang 52,858.
Mayroon pang walong laboratoryo ang hindi pa nagsusumite ng kanilang datus.