Dalawang araw bago ang bagong taon, naitala ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang panibagong record sa dami ng mga pasaherong dumaan o gumamit sa naturang terminal, kasabay tuloy-tuloy na dagsa ng mga pasahero ngayong Holiday.
Ito ay katumbas ng 170,189 na katao.
Ayon kay PITX corporate affairs officer Kolyn Calbasa, ang naturang bilang ay ang pangatlong pinakamataas na bilang ng mga biyahero na naitala sa loob ng isang araw, mula noong sinimulan nila ang monitoring noong Disyembre-15,
Sa kasalukuyan kasi ay nananatiling pinakamataas ang 204,647 na kabuuang bilang ng mga pasahero na naitala noong Disyembre 23, 2023.
Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga alituntuning ipinapatupad sa ilalim ng PITX.
Bahagi ito ng security measures na kailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, at maprotektahan ang kapakanan ng publiko at nang buong terminal
Sa kasalukuyan, marami ring mananakay ang nakumpiskahan ng iba’t ibang mga bagay: kutsilyo, cutter, paputok, gunting, atbp.