-- Advertisements --

Nagtala ng record sa kasaysayan ng hotdog eating contes si Miki Sudo.

Ang dental hygiene student mula sa Florida kasi ay tinanghal na kampeon sa taunang Nathans’ Fourth of July Hotdog Eating Contest sa Coney Island.

Nakaubos ito ng 51 hot dogs sa loob ng 10 minuto.

Nahigitan nito ang dating record niya na mayroon 48 at kalahating hotdog ang kaniyag nakain.

Pumangalawa naman sa kaniya si Mayori Ebihara ng Japan na nakaubos ng 37 hot dogs sa loob ng 10 minuto siya rin ang second runner up noong nakaraang taon.

Nagkaroon naman ng bagong kampeon sa men’s division sa pamamagitan ni Patrick Bertoletti na nakaubos ng 58 hot dogs.

Nahigitan nito ang dating record niya na 55 hot dogs.

Naging mahigpit ang labanan sa kaniya ni James Webb ng Australia at Geoff Esper para makuha ang $10,000 na cash prize.

Pumangalawa si Esper na nakaubos ng 53 hot dogs.

Hindi na sumali ang 16-time champion na Joey Chestnut mula sa El Paso, Texas matapos na tanggalin siya dahil sa pumirma ng kontrata sa ibang produkto.