-- Advertisements --

Mahigpit umanong binabantayan ngayon ng PNP ang panibagong recruitment na ginagawa ng mga teroristang grupo.

Ayon kay PNP chief Ronald Dela Rosa, may natanggap silang impormasyon na may nangyayaring recruitment na naman sa Lanao Del Sur.

Giit ni PNP chief na dapat maputol na ang ginagawang paghahanap ng mga terorista ng mga aanib sa kanila.

Aniya, ang pagkahuli sa asawa ni Marwan na si Juroomee Dongon at ilang miyembro ng pamilya nito sa Lanao Del Norte ay bahagi na ng kampanya ng PNP.

Kumpiyansa naman si Dela Rosa na mahihirapan ang mga terorista ulitin ang tinaguriang Marawi Siege dahil kailangan nito ng matagal na paghahanda.

Sa ngayon, may mga effort na raw na ginagawa ang mga otoridad para i-monitor ang teroristang grupo.

Sinabi naman ni Dela Rosa na lahat ng mga key cities sa Mindanao ay maaaring maging susunod na target ng teroristang grupo gaya ng ginawa nila sa Marawi.