-- Advertisements --
Magpapatupad ng panibagong lockdown ang Spanish government sa Madrid.
Sinabi ni Spanish Health Minister Slavador IIla na maipapatupad ang bagong restriction sa loob ng 48 oras.
Sa nasabing restiction ay pinagbabawalan ang mga residente na lumabas ng kanilang bahay puwera lamang kung sila ay papasok sa trabaho o sa eskuwela.
Hanggang 50% lamang ang kapasidad na papayagan sa mga bars at restaurant.
Hanggang anim na katao lamang ang papayagang magtipon sa pampubliko at pampribadong lugar.