Ibinunyag ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na nakaengkwentro ang mga barko ng PH Coast Guard ng harassment, mapanganib na pagmaniobra at agresibong aksiyon mula sa Chinese Coast Guard at Chinese Maritime militia sa panibagong resupply mission ng bansa sa Ayungin shoal na isinagawa kaninang umaga.
Sinabi ng Task Force na kanilang mariing kinokondena ang iligal, agresibo at destabilizing conduct ng Chinese Coast Guard sa loob ng exclusive economic zone ng PH.
Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Medel Aguilar, ang unprofessional na aksiyon at mapanganib na pagmaniobra na ginawa ng CCG at ng maritime militia nito ay hindi kailanman mamamayani laban sa ating isinasagawang legal at lehitimong mga operasyon na sumusuporta sa rules-based international order.