-- Advertisements --
Pirmado na ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang ipapatupad na panibagong rigodon sa mga senior police officers.
Batay sa inilabas na memorandum ng PNP national headquarters epektibo ngayong araw ang panibagong revamp.
Paliwanag ni Albayalde, ang balasahan ay dahil sa pagkakaroon ng mga bakanteng posisyon na iiwanan ng mga magreretirong opisyal.
Kasama na rin sa mga babalasahin ang mga opisyal na tumagal na ng dalawang taon sa kanilang assignment.
Dagdag ng PNP chief, ang rigodon ay para na rin daw sa career advancement ng mga opisyal.
Ang mga opisyal na apektado sa pagbabago ay ang mga sumusunod:
- B/Gen. Froilan Flores Quidilla, ang incoming acting regional director ng PRO-9 na kasalukuyang deputy for administration sa PRO-4B.
- B/Gen. Marni Caluya Marcos Jr., incoming acting regional director ng PRO-ARMM na siyang PNP ACG director ngayon
- B/Gen. Graciano Jaylo Mijares, incoming acting director, ACG na siya ngayong acting regional director ng PRO-ARMM
- B/Gen. Emmanuel Luis Delgado-Licup, incoming acting deputy firector ng DPRM at kasalukuyang regional police director ng PRO-9
- Col. Nelson Bermudez-Bondoc, incoming acting deputy regional director for administration ng PRO-4B