-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naiulat na “untoward incidents” kaugnay sa pinaka huling rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa DFA isinagawa ang resupply mission sa pamamagitan ng chartered vessel na MV Lapu-Lapu na iniskortan ng Philippine Coast Guard vessel ang BRP Cape EngaƱo.

Batay sa pahayag ng DFA, ito ang unang RORE mission na isinagawa matapos magkasundo ang Pilipinas at China na layong maiwasan ang anumang hindi pagkaka-intindihan.

Sinabi ng DFA na habang isinasagawa ang RORE mission nasa malayong distansiya ang mga barko ng Chinese Coast Guard.

Una ng inihayag ng DFA na nakasundo ang Manila at Beijing sa isang “temporary” agreement na layong pahupain ang tensiyon sa West Philippine Sea lalo na sa gagawing resupply mission sa BRP Sierra Madre ng sa gayon hindi na maulit ang naunang komprontasyon.

Ayon kay Chinese Foreign Minister Wang Yi na naka monitor ang Chinese Coast Guard sa isinagawang resupply mission