-- Advertisements --

PCR1

Magtatayo ng panibagong Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) center ang Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.


Ito ay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pulis na infected sa Covid-19 virus.

Ayon kay PNP Chief, General Archie Francisco Gamboa, kapag naitayo na ang pangalawang RT- PCR center sa Camp Crame tataas na ang kanilang testing capacity mula sa 450 kada araw ay magiging 600 na ito.

Hindi lang aniya mga pulis ang maaring i test sa mga RT-PCR center na ito kundi maging ang mga dependents ng mga ito.

Tuloy-tuloy pa rin ang construction ng RT-PCR testing facility sa Cebu at inaasahan sa susunod na buwan na ito makukumpleto lalo na at maraming mga pulis na infected ng virus sa Central Visayas.

Plano naman ni Gamboa na magtayo rin ng RT PCR center sa Davao para naman sa mga pulis sa Mindanao.