Inaasahang magpapatupad ng panibagong serye ng taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.
Base sa 4-day trading mula Setyembre 11 hanggang 14, inaasahang magkakaroon ng umento sa presyo ng :
Gasolina – P1.15 – P1.35 per liter
Diesel – P1.80 – P2.00 per liter
Kerosene – P1.70 – P1.90 per liter
Ito na ang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina at ika-11 naman sa presyo ng diesel at kerosene.
Ayon kay Ass. Dir. Romero, ang tinatayang paggalaw sa presyo ng petroleum products ay iniuugnay sa mas mahigpit pa na supply outlook dahil sa boluntaryong pagtapyas ng produksiyon ng Saudi at Russia, supply disruption sa Libya dahil sa hurricane at crude inventory withdrawals sa US.
Nakatakdang ianunsiyo naman ng mga kompaniya ng langis ang opisyal na presyo ng petroleum products sa araw ng Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.