-- Advertisements --
Matapos ang tatlong linggong bawas presyo sa produktong petrolyo ay inanunsiyo ngayon ng Department of Energy ang pagkakaroon ng taas presyo sa susunod na linggo.
Base sa kanilang pagtaya ay maglalaro mula P0.65 hanggang P0.90 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel at kerosene ay mayroong pagtaas na mula P0.95 hanggang P1.10 sa kada litro.
Isa sa mga nakita nilang dahilan ay ang tensiyon na nagaganap sa Middle East.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang maaring taas presyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.