-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Inaalam na sa ngayon ng mga otoridad ang involvement ng mga jail guards sa pagpasok ng illegal na kontrabando sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center matapos na may siyam na namanng inmates ang nagpositibo sa panibagong drug test.

Ayon kay OIC Jail Warden Lory Celeste, hindi ito ang unang pagkakataon na may nagpositibong mga bilanggo sa illegal na droga sa katunayan, sunod-sunod na random drug testing ang kanilang isinagawa at may mga nagpopositibo.

Ang pinakahuli ay ang pagpositibo ng mga lalaking inmates mula sa selda 21 at apat naman ang may conjugal visit o may asawa.
Sa katunayan ang dalawa sa mga inmate na ito ay una na ring ng nagpositibo sa drug test.

Dahil sa pangyayari, nagsagawa ng general greyhound operation kung saan nakumpiska ang mga otoridad ng droga, mga cellphone at mga matutulis na bagay.

Kaugnay nito, maliban sa pagkakasangkot ng mga Jailguards sa pagpapalusot ng illegal na droga, iniimbestigana umano sa ngayon ang posibleng paghagis mula sa labas at ang pagpapasok sa pamamagitan ng escort kapag may hearing sa korte.

Sa ngayon, mas hinigpitan pa ang seguridad sa loob ng jail upang matukoy kun sino ang mga responsible sa pagpuslit ng ilegal na droga sa loob.