-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Makaraang magnegatibo ang resulta ng PCR Swab Test ng babaeng LSI na pinakahuling suspected case sa Kabacan Cotabato nagkaroon ngayon ng panibagong suspected case ang bayan.

Ayon sa Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, isang Senior Citizen ang panibagong suspected case at may travel history sa Davao.

Kumpiyansa naman si Incident Commander at MHO Dr. Sofronio Edu Jr na ito’y hindi covid-19 batay na rin sa history ng suspect at sitwasyon ng health condition nito.

Binantayan lang umano ng senior citizen ang kanyang anak sa isang ospital sa Davao.

Naisagawa na rin ang Swab test sa bagong suspected case ng Covid 19.

Patuloy parin ang kampanya ng LGU-Kabacan sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman sa mga residente na mag-ingat at sumunod sa mga health protocols katulad ng pagsuot ng facemask.

Samantala, abot na sa 754 ang cleared ang nasa 208 ang PUM na patuloy na binabantayan ng RHU katuwang ang mga BHERT.