-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga kompaniya ng langis ang panibago na namang taas-presyo ng kanilang mga produkto.

Mayroong P1.30 ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.50 sa kada litro ang itinaas sa diesel.

Karagdagang P1.45 sa kada litro naman ang itinaas sa mga kerosene.

Ito na ang pang-pitong linggong magkakasunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong langis.

Kung maalala, ilang transport groups na rin ang humihirit ng dagdag taas sa pamasahe dahil sa patuloy oil price increase.