-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo ng kanilang produkto.

Nitong alas-6 ng umaga ng ipatupad ang dagdag na P0.40 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.85 na dagdag sa kada litro ng kerosene habang ang diesel ay mayroong P0.95 na dagdag kada litro.

Isa sa nakikitang dahilan ng mga opisyal ng Department of Energy sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis ay ang patuloy na kaguluhan sa Middle East.