-- Advertisements --
Magkakasunod na nagpatupad ng taas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.85 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P1.90 sa kada litro ng kerosene habang ang diesel ay mayroong P1.75 na pagtaas sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy na ang sanhi ng nasabing taas presyo ay dahil sa mataas na demand mula sa US at Organization of Petroleum-Exporting Countries.