-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis ang dagdag presyo sa kanilang mga produko.

Magkakasabay kaninang ala-6 ng umaga ang pagpapatupad na dagdag na P0.40 sa kada litro ng diesel at gasolina.

Habang mayroong P0.30 na dagdag sa kada litro ng kerosene.

Ilan sa mga nakitang dahilan ng Department of Energy ay ang muling pagtaas ng demand ng krudo sa ibang bansa at ang paghina ng peso kontra sa dolyar.